Pagkuha at pag-proseso ng NBI clearance, sa buwan ng Mayo pa muling sisimulan dahil sa pagpapalawig ng ECQ

Sa susunod na buwan o sa Mayo pa muling magbabalik ang proseso sa pagkuha ng clearance sa National Bureau of Immigration o NBI.

Ito’y dahil sa pinalawig na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon na magtatapos sa Abril-30 upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.

Sa abiso ng NBI, sa Mayo-4 pa magbabalik sa normal ang operasyon sa pagproseso sa pagkuha ng clearance ng ilang indibidwal.


Nabatid kasi na tumatalima lamang ang pamunuan ng NBI sa panuntunan ng ECQ partikular ang physical distancing at pananatili lamang sa loob ng tahanan dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang lahat ng aplikante o ang mga kumukuha ng clearance na huwag na munang magtungo sa tanggapan ng NBI kung saan hintayin na lamang nila na matapos ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments