Pinag-aaralan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagkuha ng 50,000 volunteers na tutulong sa encoding sa VaxCertPH portal, ang online vaccination record system sa Pilipinas.
Ayon kay DICT Undersecretary Emmanuel Caintic, itatalaga ang mga ito sa kani-kanilang mga Local Government Unit (LGU) lalo na ngayong nalalapit na ang “National Vaccination Days” na magaganap mula November 29 hanggang December 1, 2021.
Matatandaang unang tumutok ang DICT sa paggawa ng VaxCert ng mga Pilipinong lalabas ng Pilipinas pero binago na ito ngayon.
Sakop na ng programa ang lahat ng Pilipino sa bansa na nabakunahan na kontra COVID-19.
Maliban sa international travel, kailangan din ang VaxCert sa ilang lugar sa bansa tulad ng Panay at Boracay.