Kaugnay nito ay nauna nang inanunsyo ng LTFRB ang pagtaas ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan na epektibo ngayong darating na October 3, 2022.
Sa inilabas na desisyon ng LTFRB Board, inaatasan ang bawat PUV operators at drivers na maglagay ng updated Fare Matrix or Fare Guide sa kanilang mga sasakyan upang ito ay agarang makita ng mananakay.
Samantala, ipinaalala rin ng LTFRB na hindi pa pinapahintulutan ang mga puv drivers at operators na magtaas ng singil habang hindi pa epektibo ang nasabing fare increase o taas pasahe.
Narito ang mga dokumentong kailangang isumite ng mga PUV operator upang makuha ang kanilang updated Fare Matrix/Guide: 1.) Latest Land Transportation Office (LTO) OR/CR 2.) Franchise Verification 3.) Kopya ng Provisional Authority (para sa mga hindi pa nabibigyan ng desisyon ukol sa kanilang Certificate of Public Convenience) 4.) Official Receipt of Payment.