Pagkuha ng datos kaugnay sa dami nang naapektuhan ng Bagyong Odette, pahirapan pa rin ayon sa NDRRMC

Hindi pa rin malinaw ang mga nakukuhang datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC mula sa iba’t ibang rehiyon at lugar sa bansa na matinding sinalanta ng Bagyong Odette

Batay sa pinakahuling datos ng NDRRMC, nakapagtala sila ng 58 na bilang ng mga nasawi dahil sa bagyo.

Sa bilang na ito, siyam ang kumpirmadong nasawi habang nasa 49 naman ang patuloy pang isinasailalim sa beripikasyon.


Aabot naman sa 199 ang kabuuang bilang ng mga nasugatan pero dalawa pa lang dito ang kumpirmado habang ang nalalabi ay for verification pa.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal, 18 naman ang bilang ng mga nawawala pero ang mga ito ay under validation pa rin.

Aabot naman sa mahigit 442,000 ang bilang ng mga inilikas sa mga lugar ng MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, CARAGA at BARMM.

Kasalukuyang nanunuluyan ang mga ito sa humigit kumulang 2,435 evacuation centers.

Facebook Comments