Pagkuha ng DOJ sa kustodiya ng mga testigo sa pagpatay kay Kian Loyd delos Santos may mandato ng batas – Justice Sec. Aguirre

Manila, Philippines – Iginigiit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na ang Justice Dept. ang nararapat na may kustodiya sa mga testigo sa pagpatay sa Grade 11 student na si Kian Loyd delos Santos.

Ayon kay Aguirre, may mandato ng Konstitusyon na ang mga testigo ay dapat nasa ilalim ng Witness Protection Program ng Justice Dept.

Nakasaad aniya sa Konstitusyon na ang WPP ang dapat na nagbibigay ng proteksyon sa mga testigo.


Sinabi pa ni Aguirre na Posibleng maka-apekto sa kredibilidad ng mga testigo kapag si Senadora Riza Hontiveros ang humawak sa mga testigo dahil kilalang kontra sa anti-drug war ang senadora.

Una nang nagmatigas si Hontiveros na ibigay sa DOJ ang kustodiya sa mga testigo sa pamamaril kay Kian.

Facebook Comments