Pagkuha ng Japan ng mga manggagawang Pinoy, palalawakin pa

Asahan pa ang pagkuha ng Japan ng mas maraming Filipino workers.

Ito ay matapos ang pagpupulong nina Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at Japan Minister of Justice Suzuki Keisuke para pag-usapan ang hinggil sa pagpapalawak sa employment opportunities para sa Filipino skilled workers at professionals.

Nagkasundo rin ang dalawang opisyal sa pagpapairal ng ligtas at ethical recruitment at employment.

Ito ay alinsunod sa international standards at mas malakas na legal safeguards.

Tinalakay rin nina Cacdac at Minister Keisuke ang pagpapalakas sa bilateral labor cooperation ng Pilipinas at Japan sa deployment ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa ilalim ng Specified Skilled Workers (SSW) Scheme at ng panukalang Memorandum of Cooperation on the Employment for Skill Development (ESD) Program.

Facebook Comments