Delikado ang pagkuha ng litrato at video sa krimen.
Ito ang paalala ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas matapos na makuhaan ng video ang nangyaring pamamaril ng pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong Linggo.
Paliwanag ni PNP Chief, maaring mapagbalingan ng suspek ang kumukuha ng video at ikasugat o ikamatay ito.
Kaya naman hindi niya advise na gawin ito ninuman.
Pero kung malayo naman sa crime scene at ligtas maaring kumuha ng larawan o video.
Malaking tulong aniya ito sa PNP sa pangangalap ng ebidensya sa isang krimen.
Pero payo naman ni Sinas, huwag nang i-post sa social media sa halip dalhin sa pulisya at ipakita ang nakuhang video ng krimen sa mga imbestigador.
Facebook Comments