Pagkuha ng larawan kay VP Sara, hindi sapat na dahilan para higpitan ang seguridad sa NAIA

Hindi dapat masamain at maging basehan para higpitan ang seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pagkuha ng larawan kay Vice President Sara Duterte bago ito at kanyang pamilya lumipad patungong Germany sa kasagsagan ng pananalasa ng Supertyphoon Carina.

Ayon kay Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Representative Janette Garin, pwedeng pagbatayan ng paghihigpit ng seguridad sa paliparan ang mga banta at pagtiyak sa kaligtasan ng mga biyahero lalo na ang mga turista pero hindi dahil nakuhanan ng larawan ang isang indibidual.

Malinaw naman para kay La Union 1st District Representative Francisco Paolo Ortega na ang gustong mangyari ni Duterte ay para lang sa sarilli nitong kapakanan.


Iginiit naman nina 1-RIDER Representative Rodge Gutierrez at Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, natural lang sa mga public officials ang pagsuko sa bahagi ng kanilang privacy lalo na kung nasa pampublikong lugar sila.

Facebook Comments