Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph G. Recto ang kahalagahan na magkaroon ang Metro Manila Development Authority o MMDA ng dagdag na mga tauhan.
Ang mungkahi ni Recto ay sa harap ng hindi masolusyunan na matinding problema sa trapiko sa kalakhang maynila kung saan bumabyahe ang halos 2.8 mga behikulo.
Kumbinsido si Recto sa pahayag ni MMDA spokesperson Celine Pialago na 7,000 ang kailangang field staff ng MMDA.
2,000 lang ang traffic personnel nito ngayon kaya 5,000 pa ang kailangang idagdag.
Tinukoy din ni Recto na dahilan kaya kailangang mapalakas ang mmda ay ang pagtaas ng kaso ng mga aksidente sa lansangan.
Facebook Comments