Pagkuha ng mga contact tracer, target na simulan ng DILG ngayong Setyembre

Target nang simulan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paghi-hire ng mga contact tracer ngayong buwan ng Setyembre.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, hinihintay na lamang nito na maratipikahan ang Bayanihan to Recover as One Act kung saan nakapaloob ang limang bilyong pisong pondo para sa pagresponde ng pamahalaan sa pandemya.

Sakaling maaprubahan na ang Bayanihan 2, inaasahang maglalabas na rin ang DILG ng mga kwalipikasyon sa contact tracers.


Nabatid na karagadang 50,000 contact tracers ang inirekomenda ni Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa Inter-Agency Task Force (IATF) para mapunan ang 1:30 ratio.

Sa ngayon ay nasa 85,000 contact tracers ang ipinakalat sa buong bansa.

Una nang iratipikahan ng Senado ang bersyon nito ng Bayanihan 2 habang nakatakda naman maratipikahan ng Kamara ang Bicameral Committee report nito sa proposed Bayanihan to Recover as One Act sa Lunes.

Facebook Comments