Pagkuha ng mga foreign workers sa build-build-build program ng pamahalaan, hindi maiiwasan – DPWH

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Department of Public Works and highways na hindi maiiwasan na kumuha ng mga dayuhang trabahador para sa ilang infrastructure projects ng Pamahalaan sa ilalim ng build-build-build program.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Build-build-build Committee Chairperson Ana Mae Lamentillo na may mga espesipikong trabaho na nangangailangan ng espesipikong skills o kasanayan na hindi pa hawak sa ngayon ng mga Filipino Construction Workers.

Isa aniya sa proyektong ito ay ang Metro Manila Subway project kung saan kailangan ng mga eksperto mula sa Japan dahil mayroong mga kasanayan ang mga ito.


Pero tiniyak din naman ni Lamentillo na prayoridad parin ng pamahalaan na mabigyan ng trabaho ang mga Filipino workers sa maraming infrastructure projects ng Pamahalaan.

Sinabi naman ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na base sa kanilang pakikipagugnayan sa mga nasa construction industry ay tumaan ang demand sa mga construction workers sa Pilipinas.

Facebook Comments