
Walang nakikitang isyu ang Malacañang sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kumuha ng private appraisers para tukuyin ang kasalukuyang halaga ng kanyang mga ari-arian sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, ginawa ito para mas klaro sa publiko ang tunay na value ng properties ng Pangulo sakaling ilabas ang updated SALN.
Mas mabuti nang malinaw aniya ang mga numero kaysa puro duda at haka-haka.
Sabi pa ni Castro, darating ang panahon na kailangan talagang malaman ng publiko ang current value ng mga ari-arian, kaya mas mainam na maideklara na ito nang maaga at tama.
Batay sa 2024 SALN ni Pangulong Marcos Jr., ang idiniklárang net worth niya ay ₱389.357 milyon, alinsunod sa rules ng Civil Service Commission (CSC).
Pero ayon sa appraisal ng Cuervo, ang market value ng kanyang properties ay aabot na sa ₱1.375 bilyon.
Paliwanag ng Palasyo hindi ito kalabisan, kundi hakbang para sa mas matibay na transparency sa yaman ng Pangulo.









