Pagkuha ng private security ni VP Sara, iginagalang ng PNP

Walang problema sa Philippine National Police (PNP) ang posibleng pagkuha ni Vice President Sara Duterte ng private security team.

Ito’y matapos na i-recall ang ilan nitong security detail dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon matapos ang komosyon sa nangyaring paglilipat ng ospital sa chief of staff ni VP Sara na si Undersecretary Zuleika Lopez.

Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, mahalaga ay nag-provide na sila ng dalawampu’t limang pulis na ni-request ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maging bahagi ng security ni VP Duterte.


Ani Fajardo, na kay VP Sara na ang pagpapasya kung tatanggapin niya ito o hindi.

Magkagayunman, tiniyak ni Fajardo na nakahanda ang mga nabanggit na pulis na magbuwis ng buhay para bigyang proteksyon ang bise presidente.

Una nang sinabi ni VP Sara na sinulatan niya si AFP Chief of Staff Gen Romeo Brawner Jr. na hindi na siya tatanggap ng security.

Facebook Comments