Manila, Philippines – Kinukunan na ng salaysay ng PNP-IAS o Internal Affairs Service ang mga testigo sa madugong drug raid sa Ozamiz City noong lingo.
Ito ay kaugnay sa kanilang isinasagawang moto propio investigation.
Sinabi ni IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, na maging ang mga pulis na nagoperate sa bahay ng mga Parojinog ay kanila na rin kinakapanayam.
Sa ngayon hindi pa sigurado kung kelan matatapos ang ginagawa nilang investigation.
Pero naglabas na ng direktiba sa regional director ng IAS region 10 na mag set ng timeline sa kanilang imbestigasyon lalo’t may inihain nang resolusyon sa senado para imbestigahan ang Ozamiz raid.
Dagdag pa ni Triambulo kakailangin pa nila ng maraming araw sa imbestigasyon dahil sa dami ng mga nasawi at 3 unit ng PNP ang kabilang sa nagsagawa ng operasyon ang kailangang imbestigahan.
Una nang sinabi ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na Standard Operating Procedure o SOP ang ginagawang moto propio investigation ng PNP IAS dahil sa armas ng pamahalaan ang nagamit para mapatay ang ilang miyembro ng Parojinog.
Sakali namang mapatunayang may paglabag ang mga pulis, preventive suspension ang kanilang kakaharapin.