Pagkuha ng SBWS, hanggang ngayong araw na lang

Nagpaalala ang Social Security System (SSS) na hanggang ngayong araw na lang ang pagkuha ng cash assistance sa MLhuiller sa ilalim ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) Program nito.

Para ma-claim ang pera, kailangan lamang nilang ipakita sa Kuwarta Padala Outlet ang transaction reference number mula sa ahensiya at dalawang government-issued IDs.

Pinapayagan din ang authorized representative na miyembro ng pamilya para makuha ang claims.


Kailangan lamang magdala ng authorization letter at valid ID ng SSS member, medical certificate o barangay certificate kung ito man ay may karamdaman.

Base sa datos ng SSS, nasa 43,435 employees sa unang tranche at 61,954 naman sa ikalawang tranche ang naabisuhan na para kunin ang kanilang SBWS.

Paliwanag pa ng SSS, kapag hindi na-claim ang subsidy ngayong araw, magiging forfeited na ito at ibabalik sa gobyerno para magamit sa iba pang programa para labanan ang COVID-19.

Facebook Comments