Hiniling ni AGRI PartyList Rep. Wilbert Lee sa pamahalaan na i-prayoridad ang pagkuha ng supply ng bakuna kontra African Swine Fever o ASF na patuloy na nakaaapekto sa lokal na industriya simula ng muli itong tumama sa bansa noong 2018.
Umaasa si Lee na Ngayong magiging available na ang bakuna kontra-ASF ay aaksyon agad ang gobyerno para makakuha ng supply at maipamahagi ito sa ating mga stakeholder sa lalong madaling panahon.
Tinukoy ni Lee ang report ng Department of Agriculture nitong Pebrero na mayroong aktibong kaso ng ASF sa 75 barangays sa 42 munisipalidad, sa 12 probinsya sa 7 rehiyon sa buong bansa.
Giit ni Lee, makatutulong ang nationwide vaccination drive para matulungan ang ating mga hog raiser na labanan ang pagkalat ng ASF kagaya ng matagumpay na pagtugon natin sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Nakatitiyak si Lee, na kung masusugpo natin ang ASF sa bansa ay mabibigyan ng ginhawa Hindi lang ang livestock industry, kundi pati pamilyang Pilipino na hirap sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.