Patuloy na matatanggap ng Pilipinas ang COVID-19 vaccine allocation para sa 20% ng populasyon sa pamamagitan ng COVAX Facility.
Ang COVAX Facility ay isang global procurement mechanism na nag-i-invest sa malawak na portfolio ng vaccine candidates.
Ayon sa Department of Health (DOH), patuloy na ipupursige ng Pilipinas na makuha ang vaccine supply nito sa COVAX.
Kung dati, 20% ng populasyon ang mabibigyan ng bakuna nang libre sa ilalim ng COVAX facility, ngayon ay tanging 15-porsyento na lamang ang malilibre habang ang natitirang limang porsyento ay babayaran na ng bansa.
Pagtitiyak ng DOH na ang budget para sa limang porsyento ay may nakalaan na.
Facebook Comments