Pagkuha ng testimonya ng korte kay Veloso sa kulungan sa Indonesia, itinakda na sa Disyembre

Maaari  nang makuha ng Nueva Ecija Ecija Regional Trial Court Branch 88 ang mga testimonya ni Maryjane Veloso sa Indonesia.

Sinabi ni Atty. Edre Olalia ng National Union of People’s Lawyers na itinakda na ng korte ang tentative schedule sa December 12, 2019 para sa pagdinig sa mga testimonya ni Veloso.

Ito ay  ipadadala  sa pamamagitan ng disposition ng kanyang written interrogatories mula sa Indonesia.


Ang testimonya na lamang anya ni Veloso ang huling bahagi ng ipiprisinta ng prosekusyon bilang ebidensya sa reklamong isinampa laban sa mga recruiter ni Mary Jane na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao.

Bahagi anya ito ng kautusan ng Korte Suprema na nag-atas na tanggapin ng hukuman ang mga testimonya ni Veloso para maidepensa ang kanyang sarili matapos ma-convict sa Indonesia sa kasong drug trafficking.

Una nang binigyan ng korte ng limang araw ang respondents para magsumite ng kanilang kumento sa gagawing direct examination ng prosekusyon.

Sa January 30,2020 naman itinakda ang pagbaba ng hatol sa mga recruiter ni Mary Jane.

Facebook Comments