Sinimulan na ngayong araw ang pamamahagi ng unclaimed na ayuda mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) cash aid na ibinigay ng nasyonal na pamahalaan.
Ngayong araw, ang mga barangay ay naka-schedule sa pagkuha ng kanilang cash assistance ay ang mga barangay ng District 1 tulad ng Balong Bato, Corazon De Jesus, Ermitaño, Pasadena, Pedro Cruz at Progreso.
Kasama rin dito ang Barangay Rivera, Salapan at San Perfecto.
Susunod naman bukas, April 22, ang mga barangay ng District 2 gaya ng Barangay Addition Hills, Isabelita, Kabayanan, Little Baguio, Maytunas, Onse, at St. Joseph.
Kabilang din dito ang Barangay St. Lucia, Tibagan, West Crame, at Batis.
Batay sa abiso ng pamahalaang lungsod, kailangan lang magpunta sa kanilang barangay hall upang makuha ang kanilang mga ayuda.
Magdala rin ng dalawang kopya ng photocopy ng valid ID na may tatlong specimen signatures.
Kung ang representative ang kukuha, kailangang may dala itong authorization letter ng beneficiary, photocopy ng valid ID ng representative na may tatlong lagda.
Kung hindi pa rin makuha ang ayuda, isasama na ang pera sa ayuda para sa mga low income individuals na sisimulan naman ang pamamahagi sa Biyernes, April 23.