Pagkuha ng video at photos ng anumang criminal activities, makakatulong sa imbestigasyon – Palasyo

Naniniwala ang Malacañang na mapapabilis ang criminal investigation at prosecution kapag nakuhanan ng litrato o video ang isang krimen, tulad ng nangyaring malagim na shooting incident sa Tarlac.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos hikayatin ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas ang publiko na iwasan ang pagkuha ng videos o photos sa pinangyarihan ng krimen para sa kanilang kaligtasan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga videos at photos ay maaaring gamiting ebidensya para matunton ang gumawa ng krimen.


Ipinunto rin ni Roque ang paglalagay ng body cameras para sa mga pulis kapag nasa operasyon at pagkakabit ng CCTV cameras sa mga kalsada.

Aniya, ang video ng pagpaslang ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-iinang sina Sonya at Frank Gregoryo ay makakatulong sa imbestigasyon.

Nabatid na nag-viral online at nagdulot ng public outrage ang video ng insidente.

Facebook Comments