Sa isang advisory, sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) na ang mga rehistrado sa buong bansa na nais makakuha ng Voter’s Certification ay maaaring magtungo sa kanilang mga tanggapan simula sa Lunes, Hunyo 15, 2020.
Maliban sa mga nasa Mandaue, Cebu at Talisay na nasa lalawigan ng Cebu na iaanunsyo na lang ng COMELEC.
Nilinaw naman nila na ang certification ay libre para sa mga Senior Citizen, Persons with Disability at mga miyembro ng Indigenous People (IP) at Indigenous and Conserved Communities (ICC) at mga residente ng Mindanao.
Simula nitong June 1, 2020 ay unti-unti nang nagbukas ang operasyon ng mga tanggapan ng COMELEC matapos pansamantalang matigil kasunod ng community quarantine.
Facebook Comments