Manila, Philippines – Nagpapatuloy ang pagkuha ng written statement ng PNP Internal Affairs Service sa limampung pulis na kasama sa nagsagawa ng raid sa bahay ng pamilya Parojinog sa Ozamiz City.
Ayon kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, kailangan makunan ng impormasyon ang lahat ng pulis na kasama sa operasyon.
Ito ay upang matukoy nila ang totoong naganap sa nangyaring operasyon sa pamilya Parojinog.
Sinabi pa ni Atty. Triambulo na ang pagkuha ang written statement sa mga pulis na kabilang sa operasyon ay bahagi ng moto propio investigation na ginagawa ng PNP Internal Affairs Service.
Matatandaang matapos ang operasyon sa bahay ng Parojinog nang nakalipas na buwan agad na ikinasa ng PNP IAS ang moto propio investigation laban sa mga pulis na sangkot sa operasyon.
Standard Operating Procedure o SOP ito ayon kay PNP Chief Dir Gen Ronald Bato dela Rosa lalo’t marami ang nasawi sa operasyon.