Pagkuha ni PBBM nang mga natalong kandidato para mapasama sa gabinete, hindi paglabag sa halip prerogative ng pangulo ayon kay Executive Secretary Bersamin

Prerogative ng pangulo ng bansa ang pumili kung sino ang gusto niyang italaga sa pwesto para mapasama sa kaniyang gabinete.

Sagot ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa harap ng mga suhestyong huwag nang kunin pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga talunang kandidato noong 2022 national elections.

Sa isang panayam sinabi ni Bersamin na matalino ang pangulo at pinipili nito ang mga taong alam niyang magaling at tapat na magsilbi.


Marami aniyang magagaling at mabubuting tao, at kung gusto aniya ng pangulo na palitan ang ilang miyembro ng kaniyang gabinete, saklaw ito nang kanyang political power.

Si 2nd district Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez ang umaapela sa pangulo na huwag na sanang kumuha pa ito ng mga natalong kandidato noong nagdaang eleksyon lalo na ang mga nagbabalak na tumakbo sa 2025 midterm elections.

Matatandaang nitong May 10,2023 ay natapos na ang one year ban appointment para sa mga natalong kandidato sa nakalipas na national elections.

Facebook Comments