PAGKUKUMPUNI SA COMMUNITY CENTER NG SILLAWIT, NAGPAPATULOY

CAUAYAN CITY- Puspusan ang pagsasaayos sa community center ng Brgy. Sillawit bilang paghahanda sa paparating na tag-ulan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Kagawad Romualdo Cuagdan Jr., dalawang daang libong piso ang inilaang pondo para sa pagsasaayos sa bubong ng kanilang community center kung saan nagmula ang pondo nito sa kanilang Internal Revenue Allotment.

Aniya, ang mga napalitang bubong ay nasira noong mga nakaraang bagyo.


Dagdag pa nito, kapag natapos na ay maaari rin itong maging bilang evacuation center sa panahon ng sakuna.

Watch more balita here: 𝟭 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝟮 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗠𝗕𝗨𝗦𝗛 𝗦𝗔 𝗔𝗕𝗥𝗔

Samantala, bukod dito ay isusunod naman ang pagkukumpuni ng mga baradong drainage canal sa lugar.

Facebook Comments