Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi maaaring ikulong ang sinuman na tatangging magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Ito ay matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapakulong ang sinumang ayaw magpabakuna.
Ayon kay Guevarra, walang nakasaad sa batas na puwedeng parusahan ang mga tumatanggi sa bakuna, lalo’t nasa trial phase pa lang ang mga ito.
Aniya, gumamit lang ng matapang na salita ang pangulo para makumbinsi ang mga Pinoy na magpabakuna na.
Una nang nilinaw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang banta ng pangulo ay para bigyang-diin ang panganib sa hindi pagpapabakuna.
Facebook Comments