Pagkumbinsi kay dating PRRD na maging aktibo muli sa pulitika, kinumpirma ni House Deputy Speaker Gloria Arroyo

Kinumpirma ni dating Pangulo at ngayon ay House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na kinumbinsi nya si dating Pangulong Rodrigo Duterte na maging aktibo muli sa politika.

Ayon kay Congresswoman Arroyo, totoo ang nabanggit na impormasyon na ibinahagi sa media ni Senator Christopher “Bong” Go.

Kaugnay ito sa informal meeting o pagkikita nya at nina dating Pang. Duterte, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto II at Senator Go.


Sa kwento ni Senator Go, inanyayahan ni Representative Arroyo sa pamamagitan ng kanilang mga staff, sa isang impormal na pagkikita si dating pangulong Duterte na nasa Maynila noon para regular nitong medical check-up.

Sumama rin na aniya makipagkita si Sotto na gusto ring makamusta ng personal ang kanyang itinuturing na kaibigan na si Tatay Digong.

Binanggit ni Go na Isang simpleng kamustahan at masayang pagkikita ang nangyari.

Si Arroyo naman ay wala ng ibinigay na iba pa o dagdag na detalye hinggil dito.

Facebook Comments