
Nanindigan ang Phillipine National Police (PNP) na legal ang pagkakakumpiska sa mga luxury cars na iniuugnay kay dating Representative Elizaldy Co.
Ito ay matapos umalma ang kampo ni Co patungkol sa umano’y ilegal na pagsamsam ng awtoridad sa mga nasabing sasakyan.
Ayon kay Acting PNP Chief Lt. General Jose Melencio Nartatez Jr., isinagawa ang operasyon sa ilalim ng bisa at umiiral na legal na awtoridad.
Kaugnay nito, tiniyak nya sa publiko na ang lahat ng aksyon ng PNP ay legal at alinsunod sa batas.
Matatandaan na nasamsam ang mga nasabing sasakyan nang magsagawa ng pinagsanib na operasyon ang PNP, Bureau of Customs (BOC), at Land Transportation Office (LTO) sa isang condominium building sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Si Co ay dating mambabatas na nasasangkot sa imbestigasyon ng gobyerno kaugnay ng umano’y flood control anomaly.










