Pagkumpleto ng mga gabinete sa administrasyong Marcos, nasa ‘final evaluation stage’ na!

Nasa ‘final evaluation stage’ na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para makumpleto ang mga gabinete ng kaniyang administrasyon.

Ito ay kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kasunod na wala pang naitatalaga si Pangulong Marcos Jr., na kalihim sa Department of Health (DOH), Department of Energy (DOE), Department of the Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Cruz-Angeles na walang itinakdang deadline ang pangulo para kumpletuhin ang mga uupong miyembro ng kaniyang gabinete.


Siniguro naman ni Cruz-Angeles na kapag na-evaluate na lahat ng mga aplikasyon at kandidato ay magtatalaga at pupunan na ni Marcos ang mga bakanteng posisyon.

Sa ngayon, batay sa Memorandum Circular No.1, ang Officer-in-Charge (OIC) muna ang pansamantalang uupo sa mga nabakanteng posisyon sa mga ahensya at tanggapan ng pamahalaan.

Facebook Comments