Isusulong ni dating senador Joseph Victor “JV” Ejercito ang pagkumpleto sa PNR Bicol project, pati na ang specialty healthcare centers sa rehiyon.
Sinabi ni Ejercito na bibigyang prayoridad niya ang PNR Bicol project upang maipakita ang ganda ng rehiyon sa pamamagitan ng paglalagay ng imprastraktura.
Ang unang phase ng rail line ay magdurugtong sa Calamba City sa Laguna hanggang sa Daraga, Albay, habang ang mga susunod na phase ng proyekto ay palalawigin patungong Batangas at Sorsogon.
Sa bilis na 160 kilometers per hour na takbo ng tren, inaasahang mapaiiksi ng PNR Bicol ang biyahe mula Metro Manila hanggang sa Bicol Region ng apat na oras mula sa kasalukuyang travel time na 10 to 15 hours.
Samantala, upang maging mas madali para sa mga Bicolano na magkaroon ng access sa kumplikadong medical operations sa rehiyon, tiniyak ni Ejercito na pagsasama-samahin nito ang specialty healthcare facilities sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City sa Albay.