Pagkumpleto sa bakuna, makakatulong sa pagsugpo ng Diptheria, DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na masusugpo ang Diptheria sa pamamagitan ng pagkumpleto sa bakuna.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, kung malala ang Diptheria Toxin, pwedeng magbuild-up ang dead tissues sa lalamunan at toxin na magpapahirap sa paghinga at paglunok ng pasyente.

Ang mga simtomas ng Diptheria ay pamamaga ng lalamunan, mababang lagnat, at hirap sa pahinga at paglunok.


Pwedeng humantong ito sa heart failure, pagkaparalisa, at pagkamatay.

Lubha ring nakakahawa ito na naipapasa sa pamamagitan ng direct physical contact, pag-bahing at pag-ubo.

Sa datos ng DOH mula Enero hanggang Setyembre 7, nasa 167 na ang naitalang kaso ng Diptheria sa bansa habang 40 ang nasawi.

Pinakamaraming kaso ay naitala sa Metro Manila, kasunod ang Cordileera at Calabarzon.

Facebook Comments