Pagkumpleto sa mga dokumentong hinahanap ng COA, minamadali na ng DOH

Binubuo na ng Department of Health (DOH) ang mga dokumentong hinihingi ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa kwestyonableng paghawak ng P67.3-billion na pandemic funds.

Sa interview ng RMN Manila kay Health Sec. Francisco Duque III, nakatutok na si DOH Usec. Leopoldo Vega para makumpleto ang lahat ng mga dokumento, bago ang deadline ng COA na Setyembre 27.

Nanindigan si Duque na malinis ang kanyang konsensya at walang korapsyon sa paggamit ng naturang pondo.


Umapela rin ang kalihim sa publiko na unawain ang mga opisyal at empleyado ng DOH kung may pagkukulang sila lalo na ngayong nakatutok ang kagawaran sa pagtugon sa pandemya.

Facebook Comments