PAGKUMPLETO SA PHASE 1 NG ASINGAN PUBLIC MARKET, TARGET SA KATAPUSAN NG HULYO

Target ngayong katapusan ng Hulyo na makumpleto ang phase 1 ng isinasagawang dalawang palapag na public market sa bayan Asingan.

Inihayag ni Mayor Carlos Lopez Jr., target nilang matapos ang unang phse ng pamilihan sa katapusan upang mapakinabangan na ng mga maliliit na negosyante.

Bukod dito ay magkakaroon ng mas ligtas at maayos na pwesto ang mga ito maging makapagbibigay rin ng saigla sa ekonomiya at serbisyo sa mga mamimili.

Nagkaroon naman ng pag-iinspeksyon sa isinasagawang pamilihan upang tiyakin ang tamang pagsunod at paglalagay ng tamang espasyo para sa mga negosyanteng nangungupahan ng pwesto pati na rin ang palikuran na magagamit ng mga vendor at mamimili. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments