
Inamin ng Department of Education (DepEd) na aabutin hanggang sa Pebrero ng susunod na taon ang pagkumpuni sa mga silid-aralan na napinsala ng Bagyong Opong.
Ayon sa DepEd, may mga paaralan kasing kailangan ng major repair.
Batay sa datos ng DepEd, 1,651 silid-aralan, na karamihan ay nasa Masbate City, ang nasira dahil sa bagyo.
Ito ay may kabuuang halaga ng pinsala na aabot sa ₱1.079 bilyon.
Kinumpirma ng DepEd na nakapagpalabas na ang ahensiya ng ₱14.4 milyon sa Schools Division Offices ng Masbate at Masbate City para sa paglilinis at minor repair.
Kailangan pa anila ng Department of Education ng ₱23.4 milyon bilang karagdagang pondo para sa pagpapatuloy ng rehabilitasyon.
Facebook Comments









