Pagkumpuni sa mga sirang transmission lines na pininsala ni bagyong Tisoy, malapit nang matapos – NGCP

Malapit nang matapos ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang restoration ng mga bumagsak na power transmission lines noong kasagsagan ng pananalasa ni bagyong Tisoy.

Base sa inilabas na kalatas ng NGCP, kabilang sa mga transmission lines na hindi pa operational ay ang Ligao-Polangui 69kv line na lamang na nagsusuplay ng kuryente sa APEC.

Noong Disymbre a-2 pa nawalan ng supply ng kuryente sa mga lugar na ito kabilang ang Albay.


Bukod dito ang apat pang 230 kV transmission lines na hindi pa available na nakaapekto naman sa transmission services sa Camarines Sur, Albay at Sorsogon.

Pinakahuling naibalik sa normal operation ng NGCP ay ang Daraga-Ligao 69 kb line .

Tiniyak ng NGCP na tuloy-tuloy ang  ginagawa nilang restoration activities hanggang maibalik sa normal ang power supply sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments