Ayon kay Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V, walang nagla-lobby sa majority bloc ng Kamara sa impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte na ngayon ay dalawa na.
Diin ni Ortega, nakatuon ngayon ang atensyon ng Kamara sa paggawa ng batas kaya naman sila ay abala rin sa pagsasagawa ng mga pagdinig.
Dagdag pa ni Ortega, hindi rin tahasang napag-uusapan ng majority bloc ang impeachment ni Duterte.
Isinantabi rin ni Ortega ang espekulasyon na maiimpluwensyahan ng religious organization ang desisyon ng Kamara sa impeachment.
Sabi ni Ortega, lahat ng sektor ay dapat na pakinggan kaugnay rito at hindi lang ang panig ng simbahan.
Facebook Comments