Paglaan ng P16.44 billion sa paglaban sa insurgency, dinipensahan ng Palasyo

Dinipensahan ng Malacañang ang proposed 2021 budget allocation para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Nabatid na nanawagan ang Makabayan Bloc sa Kamara na bawiin ang ₱16.44 billion na inilaan para sa anti-communist insurgency program.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga proyekto sa ilalim ng budget allocation ay ‘valid expenditure.’


Sinabi ni Roque na maaaring humingi ng suporta ang Makabayan bloc sa iba pa nilang kasamahan sa Kongreso para bawiin ang pondong ito.

Gayumpaman, susunod ang Palasyo sa magiging desisyon ng Kongreso sa pag-review ng budget proposal na isinumite ng ehekutibo.

Bago ito, kinuwestyon ng ilang mababatas ang paglalaan ng pondo para sa Barangay Development Program ng NTF-ELCAC dahil sa hinihinalang gagamitin ito sa susunod na halalan.

Dinipensahan ito ni Interior Secretary Eduardo Año at iginiit na gagamitin ang pondo para sa iba’t ibang proyekto tulad ng farm-to-market roads, health facilities at school buildings.

Facebook Comments