PAGLABAG | Ilang bus na palabas ng Metro Manila, hindi pinayagan na makabiyahe NG I-ACT

Manila, Philippines – Hindi pinayagang maka-biyahe ng Inter Agency Council on Traffic (I-ACT) ang ilang mga bus na ba-biyahe sana palabas ng Metro Manila.

Ito ay matapos na makitaan ang mga ito ng ilang paglabag na maaaring magdulot ng aksidente sa biyahe.

Ilan sa mga hindi pinapayagan ng I-ACT na bumiyahe ay ang mga bus na kulang sa papeles, hindi gumaganang wiper, signal lights at headlights.


Batay sa talaan ng mga pangunahing terminal sa maynila, Cubao sa Quezon City, at Pasay, umabot na sa apat hanggang limang libong mga pasahero ang tumungo sa kanilang terminal mula sa dating dalawang libo lang kada araw.

Nagkakaubusan na rin ng mga tickets ang ilang mga bus company, ilang araw bago ang pasko.

Facebook Comments