Paglabag ng biktimang nasawi dahil sa pambubugbog ng dalawang barangay tanod, hindi dahilan para saktan ito – PNP

Dudulog ang Philippine National Police sa Department of the Interior and Local Government.

Ito ay kaugnay sa inihain nilang reklamo laban sa dalawang barangay tanod na sangkot sa pambubugbog at kalaunan ay ikinasawi ng lalaking lumabag sa curfew sa Calamba, Laguna.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PNP-CALABARZON Regional Director Brigadier General Felipe Natividad na bagama’t nagkaroon talaga ng paglabag ang biktimang si Ernanie Jimenez ay hindi pa rin tama ang ginawa ng mga suspek.


Nabatid na bukod sa paglabag sa curfew ay nakainom din ang biktima at nagtangka pang tumakas kung kaya’t dito na hinabol si Jimenez at binugbog.

Ayon kay Natividad, hindi sapat ang dahilan na nanlaban ang biktima para saktan at kung nakainom ito ay dapat pagpahingahin lamang bago pauwiin.

Bukod sa dalawang suspek, aalamin pa aniya ng PNP kung posibleng sampahan ng kaso ang kapitan ng kanilang barangay.

Facebook Comments