Paglabag ng mga internet service providers, pinapaimbestigahan ng isang mambabatas

Pinasisilip ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin ang mga posibleng paglabag ng mga internet service provider sa publiko.

Kasunod ito ng viral post ng aktres na si Liza Soberano matapos itong magreklamo sa mabagal na internet service ng kumpanyang Converge ICT Solution na agad namang binigyang pansin ng PLDT at kinabitan ito ng mas mabilis na internet connection na aabot pa ng 300 Mbps.

Dahil dito, hiniling ng kongresista sa Department of Trade and Industry (DTI), National Telecommunications Commission (NTC) at sa Local Government Units (LGUs) na magsagawa ng motu-proprio investigation laban sa mga internet service providers.


Posible kasi aniyang may paglabag sa consumer rights at unfair trade practices kaugnay sa prinsipyo ng equity and equal protection ng kanilang serbisyo.

Paliwanag dito ng mambabatas, kung kayang magbigay ng mga communication provider ng mabilis na internet connectivity sa isang kilalang personalidad, ay dapat mabigyan din ng pantay at patas na serbisyo ang iba pa nitong customer na nakadepende sa internet para sa trabaho at pag-aaral.

Facebook Comments