PAGLABAG SA ORDINANSA | MPD, dumepensa sa mga kritiko

Manila, Philippines – Nilinaw ni MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo na nagsisimula ang mga malalaking insidente sa mga paglabag sa ordinansa sa lungsod.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Margarejo matapos na ulanin ng mga pagbatikos hinggil sa mga nahuhuling gumagawa ng mga paglabag sa iba’t-ibang ordinansa tulad ng pag-iinom sa pampublikong lugar, pagdadala ng patalim, pagsusugal ng kara y cruz at iba pang mga paglabag sa city ordinance.

Paliwanag ni Margarejo nagsisimula sa mga maliliit na paglabag ang mga malalaking insidente kayat habang maaga umano ay pagtutuunan nila ng pansin hangggat hindi natututo ang mga Manileño na sumunod sa batas na mahigpit na ipinaiiral sa Manila.


Giit ni Margarejo kung hindi nila paghuhulihin ang mga rugby boys, umiinum sa pampublikong lugar, nagsusugal ng kara y cruz at iba pang mga paglabag sa mga ordinansa ay magiging kasanayan na sa lungsod ang ganung uri ng masamang gawain at posibleng tutularan ng mga kabataan sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments