Paglaban at pagprotekta sa interes at integridad ng Pilipinas sa WPS, binigyang-katiyakan ng Kamara

Tiniyak ni House Special Committee on West Philippine Sea Chairperson at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II na committed ang gobyernong Marcos at ang liderato ni Speaker Martin Romualdez na poprotektahan ang interes ng bansa sa gitna ng mataas na tensyon sa West Philippine Sea.

Ito ang binigyang diin ni Gonzales sa gitna na rin ng pulong ng komite na kanyang pinamumunuan kung saan dinaluhan ito ng ilang mga opisyal ng Philippine Coast Guard, National Task Force for the WPS, at iba pang ahensya.

Kung si Gonzales ang tatanungin, maituturing na isang seryosong “cause of concern” ang mga aksyon ng China laban sa Pilipinas sa West Philippine Sea.


Sa opening speech ni Gonzales ay sinabi niyang matindi ang tensyon sa WPS sa kasalukuyan at ang napapadalas na harassment ng mga barko ng China sa pinagtatalunang rehiyon ay maituturing na seryosong dahilan ng pag-aalala.

Binigyang katiyakan naman ng kongresista ang pangako ng house leadership na ilalaban at poprotektahan ang interes at integridad ng Pilipinas at mga Pilipino sa WPS.

Sinabi pa ni Gonzales na nauna nang pina-imbestigahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa PCG ang mga aksyon ng China, habang ang Department of Foreign Affairs ay walang humpay sa pagsasampa ng diplomatic protests at ipinatatawag ang Chinese Ambassador.

Facebook Comments