Paglaban kay people’s champ Manny Pacquiao, isang karangalan kay American boxer Errol Spence jr.

Maituturing na isang karangalan para kay American boxer Errol Spence jr. ang makalaban si people’s champ Manny “Pacman” Pacquiao.

Ito ang pahayag ni errol matapos na magtagumpay na maidepensa ang i-b-f welterweight title laban sa American boxer na si mikey garcia.

Ayon sa American boxer, isa nang “legend” sa larangan ng boxing ang pambansang kamao.


Sa ngayon, wala pang tugon ang fighting-senador kung kakasa siya sa hamon ni Errol.

Facebook Comments