Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employment na naipapanalo ng bansa ang laban nito sa kontrakwalisasyon.
Sa isinagawang Philippine Association of Legitimate Service Contractors’ o PALSCON 7th National Forum, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mas marami nang Pilipino ang naging regular sa kanilang mga trabaho.
Paliwanag ng kalihim, hindi pa man nanganagalahati ang DOLE sa target nito ay umabot na sa mahigit 120 libo ang nakinabang sa pagkakaroon ng stable na trabaho.
Nagpasalamat rin si Bello sa PALSCON dahil sa kooperasyon nito at umaasang lalaki pa ang bilang ng mga regular employees kapag dahil sa Department Order no. 174 Series of 2017.
Kung saan sa ilalim nito, mahigpit na ipagbabawal ang paulit-ulit na pagrerenew ng kontrata ng mga empleyado matapos ang mas mababa pa sa anim na buwang pagtatrabaho.
Tiniyak naman ng PALSCON ang commitment nito sa pagpo-protekta sa kapakanan at karapatan ng mga manggagawa.