Paglaban ng Pilipinas kontra COVID-19, may improvement na; second wave ng virus, mas delikado

May improvement na sa ginagawang paglaban ng bansa kontra COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila kay COVID-19 National Task Force Special Adviser Dr. Anthony Leachon, hindi naman ibababa ang quarantine protocols kung hindi bumubuti ang sitwasyon sa bansa.

Gayunman, nilinaw ng medical expert na hindi ito nangangahulugan na pababa na ang curve ng COVID-19 cases kaya kailangan pa ring mapanatili ang kalinisan at matinding social distancing habang papunta ang bansa sa ‘new normal’.


Nagbabala rin si Leachon na mas magiging delikado ang second wave ng COVID-19 kung hindi mag-iingat ang publiko.

Samantala, naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na dapat na may managot sa pagkalitong idinulot ng pahayag na nasa second wave na ng COVID-19 infections ang Pilipinas.

Aminado si Roque na nagdulot ng takot at panic sa publiko ang nasabing pronouncement.

Gayunman, binigyang-diin nito na hawak ng senior officials ng gobyerno ang desisyong parusahan ang isang tao.

Pero para kay Leachon, dapat na manatili sa pwesto si Duque dahil maaari lang bumagal ang pagtugon ng bansa sa pandemya kung sisibakin sa puwesto ang kalihim.

Facebook Comments