Paglaban ng Pilipinas sa COVID-19, humuhusay – OCTA fellow

Nakikita ng OCTA Research Team ang humuhusay na paglaban ng Pilipinas sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Dr. Nicanor Austriaco, nagkakaroon nang pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases, hindi lamang sa Metro Manila pero sa iba pang bahagi ng bansa.

Pero sinabi rin ni Austriaco na inaaasahang makikita sa mga susunod na linggo ang pagtaas ng kaso dahil sa pagluluwag ng galaw ng mga tao sa bansa.


Hindi naman aniya dapat ikabahala ang pagtaas ng kaso dahil pinaglaanan ng Pilipinas ang nagdaang anim na buwan para palakasin ang contact tracing, at pagpapatayo ng isolation at quarantine facility.

Umaasa si Austriaco na paigtingin pa ng pamahalaan ang kapasidad sa paglaban sa COVID-19 para mapaghandaan ang mga inaasahang pagtaas ng kaso sa hinaharap.

Facebook Comments