Paglaban ni PNoy sa China hinggil sa WPS, hindi makakalimutan – Kalayaan town mayor

Nagpaabot ng pakikiramay ang munisipalidad ng Kalayaan sa Palawan sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Kalayaan Mayor Roberto Del Mundo, hindi nila makakalimutan ang paggigiit ni dating Pangulong Aquino sa claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Aniya, hindi nila makakalimutan ang pagharap nito sa China sa international tribunal.


Matatandaang naghain ang Aquino administration ng arbitration case laban sa China noong January 2013 sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague matapos angkinin ng Beijing ang Scarborough Shoal noong 2012.

Facebook Comments