PAGLABAN SA CHILD LABOR, PINAPAIGTING NG DOLE REGION 1

Pinapaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 ang kanilang kampanya laban sa child labor ngayong Nobyembre, kasabay ng selebrasyon ng National Children’s Month.

Kaugnay nito, gaganapin ang ika-apat na quarter ng Information and Service Caravan on Child Labor sa Binalonan, Pangasinan, sa pakikipagtulungan ng Regional Council Against Child Labor (RCACL).

Layunin ng caravan na matulungan ang mahigit 100 profiled child laborers at kanilang mga magulang o tagapag-alaga sa pamamagitan ng serbisyong medikal, dental consultations, libreng bakuna, processing ng clearances at National ID, at paralegal assistance.

Ayon sa DOLE, bahagi ito ng Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) na naglalayong itaguyod ang karapatan ng mga bata at magbigay ng direktang suporta sa mga pamilyang nanganganib.

Ang caravan ay isa sa apat na nakaplanong quarterly caravans bawat taon bilang bahagi ng Labor and Employment Plan 2023–2028 upang matiyak ang patuloy na paglaban sa child labor sa rehiyon.

Facebook Comments