Paglaban sa climate change at pagpapanagot sa mga bansang nagdudulot nito isinulong ni PRRD sa ASEAN

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng bansang miyembro ng ASEAN na magkaisa at labanan ang climate change.

Sa plenary intervention ni Pangulong Dutere sa ASEAN ay sinabi nito na dapat ay papanagutin ng ASEAN ang mga bansang responsible o malaki ang naging kontribusyon sa climate change.

Sinabi ni Pangulong Duterte na dahil dito ay mas malakas na ang mga nararanasang natural disasters tulad ng bagyo, tag-tuyo, lindol landslide at pagsabog ng bulkan.


Ang epekto aniya ng mga ito sa mga bansa sa Southeast Asia ay matindi dahil nalalagay sa alanganin ang buhay ng mga tao.

Kaya naman sinabi ni Pangulong Duterte na dapat ay bumuo ng mga hakbang ang ASEAN para maging mas resilient ang lahat sa mga kalamidad upang mapangalagaan ang mga mamamayan at ang kalikasan.

Facebook Comments