Ikinalungkot ngayon ni Public Safety Officer at Vice Chairman ng Composite Quarantine Team ng Cotabato City Rolen Balquin ang tila pagsasawalang bahala ng iilan sa mga residente ang kahalagahan ng kanilang isinusulong na kampanya para sa makaiwas sa Corona Virus Disease.
Kasabay ng ginawang Dis-infection sa No Movement Sunday, kahapon umikot ang Composite Team sa mga Baranggay sa syudad at ilan nga sa mga residente ay nawarningan kabilang na ang isang nagbukas na Bakeshop , 3 habal-habal driver, mga hindi nag-susuot ng facemask maging ang mga nag-iinuman .
Kaugnay nito, umaapila si Balquin sa publiko na seryosohin ang panawagan ng City Government sa paglaban sa Covid-19 lalo na sa mga magulang na gabayan at ipaintindi sa kanilang mga anak ang maaring maidulot ng Covid-19 sa tao.
Samantala, pinag-aaralan ngayon ng City LGU ang pagpapatupad ng Lockdown sa mga purok o Baranggay na may naging pasyente na residente ng isang Purok o Baranggay.
Inaasahang sa susunod na araw ay magbibigay ng advisory ang City LGU ayon pa kay Balquin.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>