Paglaban sa cybercrime sa Pilipinas, mas pinaigting ng IBPAP sa pakikipag tulungan ng Globe business

Manila, Philippines – Sa pakikipagtulungan ng Globe business mas lalo pang pinaigting ng Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) ang paglaban sa cybercrime sa Pilipinas.

Kasunod na rin ito ng idinaos na 2nd IT-BPM cybersecurity summit na layong labanan ang online hacking tulad ng wannacry ransomware na umatake sa 200,000 kompanya sa 150 bansa kamakailan.

Sa pagdalo ng mahigit isang daang IT-BPM companies, iprinesenta ang pagiging lantad ng mga negosyo at kanilang mga kliyente sa online threats tulad ng mga virus, service interruption, identity theft at marami pang iba.


Ayon kay globe business senior advisor mike frausing – kasama ang IBPAP, itinuro kung paaano mapo-protektahan ang kanilang negosyo, kasunod na rin ng paglulunsad ng globe ng kanilang advanced Security Operations Center (ASOC) na pinalakas ng trustwave.

Nagpasalamat naman si IBPAP Executive Director for External Affairs Genny Marcial sa globe sa pagsama sa kanila upang mas lalo pang patatagin ang Philippine IT-BPM industry.
DZXL558

Facebook Comments